LALAKING BUMATI NG “HAPPY NEW YEAR”, PINUKPOK NG BATO SA SUAL, PANGASINAN

Isang lalaki ang sugatan matapos pukpukin ng bato sa ulo ng Isang konduktor ng bus sa Brgy. Paitan West, Sual, Pangasinan.
Ang biktima ay 38 taong gulang at Empleyado ng munisipyo ng Sual habang ang suspek ay 27 anyos na nasa impluwensya ng alak..
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, binati ng biktima ang suspek ng “Happy New Year.” Subalit, sa hindi malinaw na dahilan, nagalit ang suspek at nauwi sa sagutan at komosyon.

Kumuha ng bato ang suspek at apat na beses na pinalo ang ulo ng biktima. Itinakbo ang biktima ng kaniyang mga kaanak sa Sual Primary Care Facility Infirmary nasa maayos nang kalagayan.
Samantala, agad namang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments