LALAKING DALAWANG ARAW NANG NAWAWALA, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA ISANG ILOG SA LAOAG CITY, ILOCOS NORTE

Natagpuang palutang-lutang sa Padsan River sa Brgy. 53, Rioeng, Laoag City, Ilocos Norte ang katawan ng isang lalaki matapos itong i-report na nawawala dalawang araw bago natagpuan ang bangkay.

Sa unang ulat sa MDRRMO Banna, Ilocos Norte, bandang alas kwatro ng hapon ng August 6, 2025 huling nakita ang 59 anyos na lalaki malapit sa nasabing ilog sa Barangay Hilario para kunin ang kalabaw nito dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilog.

Matapos noon ay hindi na ito muli pang nakita.

Dalawang araw matapos na ikinasa ang search and rescue operation ng awtoridad, natagpuan ang bangkay ng nawawalang lalaki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Sa ngayon ay naipalam na rin sa mga kaanak ang sinapit ng biktima.

Facebook Comments