Lalaking dumayo para makipag-inuman, napag-tripan umanong patayin

Patay sa pananaksak ang isang lalaking dumayo pa umano para makipag-inuman sa Roxas City, Capiz, iniulat noong Biyernes.

Hindi pa natukoy ng awtoridad ang lalaking biktima na natagpuan na lamang sa gilid ng kalsada sa Barangay San Jose, Tapaz.

Ayon sa isang may-ari ng tindahan na si Josie Florendo, gigisingin niya sana ang lalaki sa kalsada, ngunit nang lapitan ay nakita niyang tadtad ito ng saksak sa katawan.


Batay sa pulisya, walang nakakakilala sa biktima sa lugar at pinaniniwalaang napag-tripan ito ng mga suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments