Lalaking Empleyado ng LGU, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

*City of Ilagan, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang empleyado ng LGU City of Ilagan matapos matiklo sa pagbebenta ng iligal na droga pasado alas singko ng hapon kahapon sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Jackson Espiritu, 36 anyos at residente ng Brgy Bagumbayan, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naglatag ng Drug Buy Bust Operation ang mga kasapi ng PNP Ilagan City katuwang ang iba pang operatives na nagresulta sa pagkakadakip ni Espiritu.


Nabentahan ni Espiritu ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer kapalit ang isang libong piso na buy bust money.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang P1,000.00 na marked money at isang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station ang suspek at nakatakdang masampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments