Manila, Philippines – Patay ang isang 21 anyos nalalaking gumagamit umano ng ilegal na droga matapos na pagbabarilin ng ridingin tandem sa Brgy. Payatas Quezon City.
Onsehan sa ilegal na droga ang isa sa tinitingnang motibong pulisya sa pagpaslang kay Jose Galdonez.
Itoy kasunod na rin ng pag amin mismo ng kapatid ngbiktima na gumagamit ito ng ilegal nadroga.
Ayon sa kanyang kapatid na si Benjamin, matagal na niyangpinapatigil sa pagshashabu si Jose peromatigas ang ulo nito at hindi rin sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.
Ayon naman sa Barangay, sangkot din sa akyat bahay angbiktima at may kaso ring nakabinbin sa korte na may kaugnayan sa ilegal nadroga.
Bago ang pamamaril, galing sa inuman ang biktima naglalakad ito saBansalangin Street Brgy. Payatas B papauwi nang barilin ng isa sa apat na nakasakay sa 2 motorsiklo kungsaan tinamaan sa dibdin ang biktima at isinugod sa pagamutan makalipas mahigitna dalawang oras na gamutan binawian dinng buhay si Galdonez.
Inimbestigahan na ng pulisya ang naturang pamamaril attinitingnan kung mayroon CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.
Lalaking gumagamit umano ng ilegal na droga, pinagbabaril ng riding in tandem patay sa QC
Facebook Comments