Lalaking hinihinalang inanod ng baha, patay nang matagpuan sa sapa sa Davao Occidental

Nakadapa, balot ng basura, at wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa sapa ng Barangay Lacaron, Malita, Davao Occidental.

Kinilala ang biktima na si Segundino Bedaña, nasa tamang gulang, at residente ng nasabing lugar.

Sa interview ng DXDC RMN Davao kay Jules Marques, responder ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO ng Malita, natagpuan umano ni Arnel Luciano ang biktimang nakahandusay sa ilog habang nangingisda ito.

Base sa pahayag ng pamilya, noong gabi bago ito matagpuan, nakuha pa raw nitong ihatid ang dalawang anak pagkatapos makipag-inuman sa mga kaibigan nito.

Ngunit bandang 11:00 ng gabi, lumabas umano ito ng bahay at doon na pinaghihinalaang inanod ito ng rumaragasang baha dulot ng malakas na ulan sa mga oras na iyon.

Facebook Comments