Lalaking hinuli sa curfew sa Muntinlupa, nakuhanan ng ilegal na droga

Kulungan ang tuloy ng isang lalaki sa Muntinlupa City matapos itong makuhanan ng ipinagbabawal na droga ng sitahin ito dahil sa paglabag sa curfew ordinance.

Nakilala ang suspek na si Jolo Cabalza, alyas Jolo, 32-anyos, at nakatira sa 1010 Prinza St., Brgy. Poblacion.

Nakuha mula sa kanya ang .4 grams ng umano’y shabu at may katumbas na halaga na 2,500 pesos.


Batay sa ulat ng Muntinlupa City PNP, pagala-gala ang suspek sa kahabaan ng Rizal St. PNR Site Brgy. Poblacion, pasado alas-10:30 kagabi.

Dahil sa umiiral ang curfew sa lungsod, sinita nila ito at ng kapkapan ang suspek, doon nila nakuha ang hinihinalang ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ito sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; Republic Act 11332 kaugnay sa Enhance Community Quarantine at City Ordinance para sa Curfew.

Facebook Comments