
Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang isang lalaking humaharap sa kasong child abuse sa Purok 2, MLQ Street, New Lower Bicutan, Taguig City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Andoy,” 21 years old at residente ng naturang barangay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Byron Gabbuat San Pedro, Presiding Judge ng Family Court Branch 15, Taguig City.
Humaharap ang suspek sa kasong Lascivious Conduct at paglabag sa R.A. 11313, o Safe Spaces Act.
Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte na P180,000 para sa Lascivious Conduct at P3,000 para sa Safe Spaces Act violation.
Facebook Comments










