
Nakakulong na sa custodial facility ng Muntinlupa City Police Office ang isang lalaking sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.
Kinilala ang suspek na si alyas Raymond, 38 years old na Top Ten Most Wanted Persons Station Level para sa buwan ng Enero.
Naaresto ang suspek sa Saint John Street, Barangay Poblacion, Muntinlupa City sa pamamgitan ng Bench Warrant of Arrest na inisyu ng Muntinlupa Regional Trial Court o RTC Branch 256 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Facebook Comments










