
[Babala: Sensitibong Balita]
Tadtad ng sugat at naagnas na nang matagpuan ng isang tindero ng isda at iba pang concerned citizen ang bangkay ng lalaking ilang araw nang nawawala sa Sitio Panag, Barangay Malala, Datu Paglas, Maguindanao del Sur, nitong Sabado, Oktubre 4.
Sa report, kinilala ang biktima na si Ramil Dadog Ocot, nasa hustong gulang, walang asawa, at residente ng Barangay Datang sa nasabing bayan.
Kwento ng ilan sa kaniyang mga kamag-anak, umalis ng bahay si Ocot noong October 2 ngunit ay hindi na ito nakita pa hanggang sa matagpuan na lang ang kanayang bangkay ilang araw ang nakalilipas.
Nakabalot sa trapal at garbage bag at saka isinilid sa isang plastic drum ang bangkay ng biktima nang ito ay matagpuan.
Nananawagan naman ng hustisya ang pamilya ni Ocot sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang motibo sa nasabing krimen.









