LALAKING ILEGAL NA NAGBEBENTA UMANO NG LPG, HULI SA NATIVIDAD, PANGASINAN

Nagsagawa ng buy-bust/entrapment operation ang Natividad Municipal Police Station, kasama ang isang special agent mula sa Petron LPG Corporation at isang DTI representative, matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa umano’y ilegal na pagbebenta ng LPG na may peke at hindi awtorisadong seal sa Natividad, Pangasinan kahapon ng umaga.

Dahil dito, naaresto ang isang 36-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code), RA 11592 (LPG Industry Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 33.

Ayon sa police report, nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang LPG cylinders, kabilang ang 11 pirasong 11-kg Petron Gasul LPG, 2 Petron Gasul LPG cylinders na may pekeng seal, 3 Fiesta Gas LPG cylinders na may pekeng seal, 2 empty Petron Gasul cylinders at ilang pera na gamit. Bukod dito, nakuha rin ang isang motorized tricycle (kulong-kulong) na ginagamit umano sa operasyon.

Isinagawa ang inventory at marking ng mga ebidensya on-site, sa presensya ng suspek, mga kinatawan ng Petron LPG at DTI, Negosyo Center Counselor, at dalawang Barangay Kagawad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments