Lalaking iligal na pumasok sa rampa ng Bicol International Airport, kinastigo ng korte – CAAP

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pinagmulta ng korte ang lalaking iligal na pumasok sa rampa o ramp area ng Bicol International Airport.

Sakay ng motorsiklo ang 29-anyos na lalaki nang pumasok ito sa rampa ng paliparan habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Tinangka pa siyang pigilan ng mga awtoridad subalit dumeretso pa ito sa airside area ng paliparan.


Bunga nito, sinampahan siya ng kasong kriminal at pinagmulta ng korte sa Albay ng ₱5,000.

Facebook Comments