Lalaking Jobless, Arestado sa Pagnanakaw!

46

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw sa isang bahay sa Barangay Buena Swerte, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Edward Dalog, 26 anyos, walang asawa’t trabaho at residente ng brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela habang ang mga biktima naman ay ang mag-asawang sina Iluminada Gonzalez, 47 anyos at Wyrlo Gonzalez, 48 anyos at pawang mga residente ng Barangay Buena Swerte, Cauayan City, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team sa PNP Cauayan City, Ipinarada umano ng mag-asawa ang kanilang motorsiklo sa kanilang bahay nang lapitan at buksan ito ni Dalog at tinangay ang laman na perang nagkakahalaga ng mahigit kumulang Limampung Libong Piso.

Napansin umano ng mag-asawa ang paglapit at pagbukas ni Dalog sa kanilang motorsiklo subalit ng ito’y kanilang buksan ay wala na ang nasabing pera.

Sinundan pa umano ng mag-asawa sa posibleng pupuntahan ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip sa tulong ng mga rumespondeng pulis sa isang Drive Inn Hotel ng barangay San Fermin, Cauayan City.

Nasa kustodiya na ng PNP Cauayan City ang suspek at mahaharap sa kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments