Cauayan City, Isabela – Hindi nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na kukuha sana ng kanyang police clearance matapos madiskubre ng kapulisan na mayroon itong standing Warrant of Arrest.
Kinilala ang suspek na si Renato Sagun, 54 anyos at residente ng Barangay Asassi, Baggao, Cagayan.
Habang pinoproseso umano ng kapulisan ang kinukuhang dokumento ng suspek, lumabas sa system ng PNP na mayroon itong Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder.
Sa kasong kinakaharap ni Sagun ay mayroong inirekomenda ang korte na Php200,000.00 para sa kanyang piyansa.
Inilabas ng Regional Trial Court National Capital Judicial Court – Branch 256 ng lungsod ng Muntinlupa noong July 31, 2012 ang warrant of arrest ni Sagun.
Nakapiit ngayon sa himpilan Iguig Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments