
Arestado ang isang 26 anyos na lalaki matapos umanong manakit ng isang pulis sa insidenteng naganap bandang 8:30 ng gabi noong Enero 24, 2026, sa Anda, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang Barangay Kagawad na humihingi ng agarang tulong dahil sa isang lalaking lasing at nagwawala sa kanilang lugar. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Anda Police Station, na pinamunuan ng Deputy Chief of Police (DCOP).
Pagdating sa lugar, nilapitan ng awtoridad ang suspek. Inatasan siya ng pulisya na tumigil sa panggugulo ngunit sa halip na sumunod, lalo pang naging agresibo ang suspek, binalewala ang utos ng pulis, at binigkas pa ang linyang “Walang pulis-pulis.”
Ilang sandali pa, bigla niyang inatake ang opisyal, na nagresulta sa pagkakasugat ng opisyal sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Dahil dito, agad na inaresto ang suspek at dinala sa Bolinao Community Hospital para sa medikal na pagsusuri bago inilipat sa Anda Police Station para sa wastong disposisyon.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong Direct Assault, habang patuloy namang pinapaalalahanan ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at igalang ang mga nagpapatupad ng batas, lalo na sa panahon ng mga insidenteng may kinalaman sa kaguluhan at pag-inom ng alak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










