Lalaking lumabag sa gun ban sa San Nicolas Pangasinan pinaghahanap!

San Nicolas Pangasinan – Isang lalaki sa bayan ng San Nicolas ngayon ang subject ng manhunt operation ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban. Kinilala itong si Ubaldo Matas isang caretaker at residente ng Brgy. Bensican, San Nicolas Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon napansin di umano ng mga tropa ng militar ang nakasukbit sa baywang nito na kalibre kwarentay singko at magazine na tinangka pa nitong itago. Tinangkang arestuhin ito ng mga awtoridad ngunit nakatakas ang suspek matapos kumaripas ng takbo sa madilim na bahagi ng maisan. Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang manhunt sa suspek at dinala ang mga na-recover na baril at magazine sa police station ng San Nicolas Pangasinan upang gamiting ebidensya laban dito.

 

Sa datos ng PNP Pangasinan aabot sa 124 ang kabuuan ng lumabag sa Comelec liquor ban noong kasagsagan ng elekyon, 27 dito ay mula sa San Fabian, 1 sa Alaminos City, at 96 sa Urdaneta City.


Facebook Comments