Lalaking magnanakaw ng cellphone sa mga nagbabantay ng pasyente sa ospital sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mabuko ang style nito sa pagnanakaw ng cellphone sa mga nagbabantay na pasyente sa ospital sa Maynila.
Sa ulat, kinaibigan muna ng suspek na si Emerson ang biktimang si Mirriam Coleta habang nagbabantay ito ng knaiyang anak na may sakit.
Nang iwan sandali ng ginang ang suspek, agad nitong kinuha ang kanyang cellphone at nagmamadaling umalis sa lugar.
Napansin naman ng biktima na nawawala ang kanyang cellphone kaya nakatawag siya sa mga guwardiya.
Mabilis na nahuli ang suspek bago pa man ito makalabas ng ospital kung sann inamin nito na natukso lamang siya kaya nagawang magnakaw.

Facebook Comments