Lalaking matagal nang wanted, patay sa buy-bust operation sa QC

63

Matagal nang wanted dahil sa mga kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act ang napatay na drug suspect na si Carlito Dela Cruz, alyas “Bunso” at “Tolyts”.

Napatay ang suspek matapos mang-agaw ng baril nang makatunog na pulis ang kanyang ka-transaksyon.


Nakuha sa suspek ang shabu na may timbang na dalawang gramo at may street value na ₱13,400, dalawang digital weighing scales, isang caliber .38 revolver, isang cellular phone at Yamaha Mio motorcycle na gamit niya sa transaksyon.

Kalaboso rin ang mga kasabwat ng suspek na sina Rexsydee Coralde, 30-anyos, at Ronnie Laporteza, 37-anyos.

Facebook Comments