Sunday, April 5, 2026

Lalaking may 19 na warrant of arrest kaugnay ng kasong estafa, naaresto ng pulisya

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group – Detective Special Operations Units (CIDG-DSOU) kasama ng mga Operatives of Warrant and Subpoena Section Pasay CPS sa Basement Parking ng isang Mall sa Brgy. 76, Zone 10, Pasay City ang isang lalaking may 19 na warrant of arrest.

Kinilala ang suspek na si Mark Steven Freeman, 37 taong gulang, businessman, at nasa Department of the Interior and Local Government (DILG)-Listed National Level Most Wanted Person na may itinalagang reward na P400,000.

Si Freeman ay may 19 na warrant of arrest na binubuo ng mga kasong syndicated estafa, paglabag sa RA 8799 o Securities Regulation Code of 2000, at Large Scale Swindling.

Kung saan ang ilan sa mga kasong isinampa sa kanya ay merong rekomendang pyansa at ang ilan ay wala.

Ang nasabing warrant ay mula sa ibat-ibang korte sa Cagayan De Oro, Misamis Oriental at isa sa Zamboanga City.

Dinala naman ang nasabing suspek sa opisina ng CIDG-DSOU para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinahantay ang Commitment Order mula sa nag-isyung korte.

Samantala, hinimok ni CIDG Director PMGen Robert Morico II ang sinumang naloko ng nasabing suspek na magtungo sa kanilang tanggapan para magsampa ng kaso.

Facebook Comments