Lalaking may 31 Counts ng Kasong Rape, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang construction worker na number 1 most wanted sa lungsod ng cauayan pasado alas 8:30 kaninang umaga nang isilbi ng mga tauhan ng PNP Cauayan ang warrant of arrest laban sa suspek na itinago sa pangalang “Jerry”, 38 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Cabaruan dito sa Lungsod.

Nag-ugat ang kaso ni “Jerry” matapos nitong halayin ang kanyang stepdaughter na noo’y nasa labing isang taon palang ang biktima.

Nadiskubre ang kahayupan ng suspek matapos magkasakit at magka- UTI ang biktima at lumabas rin sa pagsusuri na hinalay ito.


Ayon kay P/Capt Esem Galiza, tagapag salita ng PNP Cauayan, walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa suspek na ngayon ay nasa pag-iingat na ng PNP Cauayan at isinailalim sa booking process bago ipresinta sa korte para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments