Lalaking may Asawa sa Quezon Isabela, Nahaharap sa Kasong Concubinage!

116

Quezon, Isabela – Matagumpay na naaresto ang isang lalaking may asawa matapos na isinilbi ng mga alagad ng batas ang warrant of arrest nito kaninang umaga sa Brgy. Samonte, Quezon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Danilo Masiglat Soriano, apatnapu’t isang taong, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ipinalabas ni hukom Precious Lovely Sales-Jao ng MCTC Mallig-Quezon ang warrant of arrest ng akusado dahil sa kasong concubinage.

Makakalaya lamang si Soriano kung makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga Php30,000.00.

Nasa kustodiya na ng Quezon Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments