LALAKING MAY KAPANSANAN, SUGATAN SA PANANAKSAK NG ISANG LASING NA LALAKI SA BAYAN NG DASOL

Kasalukuyang inoobserbahan ang isang Person with Disabilities matapos itong saksakin ng nakaalitang lasing na lalaki sa bayan ng Dasol.
Nakilala ang biktima na si Nelson Agcang habang ang suspek ay nakilalang si Freddie Caboteja parehong residente ng Brgy. Eguia sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang pananaksak pasado alas dos ng hapon habang nakaupo sa silong ng isang puno ang biktima ng dumating ang suspek na tila lasing.

Walang ano ano ay nagtalo na ang dalawa at dito na sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang balikat ng dalawang beses.
Samantala, nakakuha naman ng bote ng softdrinks ang biktima na inihampas sa paa ng suspek dahilan para masugatan din ito.
Naisugod naman sa pagamutan ang dalawa kung saan ay sa ospital na nahuli ng mga Pulis ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide. |ifmnews
Facebook Comments