Lalaking may Kasong Attempted Homicide, Nahuli sa San Agustin Isabela!

18

*San Agustin, Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang madamiento de aresto nito sa brgy Masaya, San Agustin, Isabela.

Ang nahuli ay kinilalang si Clifford Dan Bonifacio, trenta anyos at residente ng brgy Sinaoangan Norte, San Agustin, Isabela.
Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Bonifacio sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni hukom Bumsay Sy Rodolfo ng MTC Quezon City Branch 38 dahil sa kasong Attempted Homicide.

Nasa kustodiya na ng PNP San Agustin ang suspek at pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng labing dalawang libong piso (12,000.00).

Facebook Comments