Lalaking may Kasong Carnapping at Nagtago sa Iba’t Ibang Lugar, Nahuli na!

Gamu, Isabela – Nahuli na kahapon ng mga kasapi ng PNP Gamu ang lalaking may kasong carnapping matapos na nagtago sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Police Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station, na nagtago sa Manila, Cavite at iba pang lugar ang akusadong si Michael Lardizabal Cabab, bente anyos, binata at residente ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela ngunit matagumpay naman na naaresto sa Sitio Bating, Brgy. Alibagu, City of Ilagan Isabela.

Aniya, ang tinaguriang top 2 most wanted person (Municipal Level) ay hinuli sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac de Alban ng Branch 16 City of Ilagan, Isabela noong August 22, 2016.


Makakalaya naman si Cabab kung makakapaglagak ng nairekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng PNP Gamu para sa dokumentasyon nito bago dahil sa court of origin.

Facebook Comments