Lalaking may Kasong Carnapping, Sumuko!

1

Cauayan City, Isabela – Boluntaryong sumuko kahapon ang isang lalaki na wanted sa batas dahil sa kasong carnapping.

Ang akusado ay kinilala na si Marlon Galut, 42 taong gulang ,may asawa, isang magsasaka at residente ng Binatug, San Mariano Isabela.

Sumuko si Galut kay SPO1 Jedus Guban at PO2 Ruben B. Andres ng Cabaruan Cauayan City at dinala naman agad sa Cauayan City Police Station.

Dahil dito ay inimplementa agad ang warrant of arrest kay Galut na ipinalabas ni Honorable Rodolfo B. Dizon, Presiding Judge ng RTC Branch 18 City of Ilagan.

Nakapaglagak naman ng piyansa si Marlon Galut ng Php 180,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments