Lalaking may Kasong Kinakaharap, Natimbog sa Santiago City!

5

Santiago City, Isabela- Nadakip na ng mga kapulisan ang isang lalaki na may kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions dakong alauna ngayong hapon, Abril disi-syete taong kasalukuyan sa barangay Villasis, Santiago City.

Kinilala ang nadakip na si Maxleo Mamaril, kwarentay nuwebe anyos, may-asawa at residente ng barangay San Fabian, Echague, Isabela.

Si Mamaril ay nadakip ng pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Station 1 at PNP Echague sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Second Judicial Region, Branch 24 Echague, Isabela.

Hawak na ng PNP Santiago City si Mamaril at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng piyansang dalawang daang libong piso.

Facebook Comments