Lalaking May Kasong Libel, Arestado!

Cordon, Isabela- Arestado ang isang lalaking may kasong Libel dakong alas tres y medya kahapon, Agosto 18,2018 sa Brgy. Sagat Cordon Isabela.

Kinilala ang akusado na si Dalisay Marcos Reyno, 45 anyos, at residente naman sa naturang Barangay.

Dinakip ng PNP Cordon ang akusado matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Cicer B. Jandoc ng RTC branch 29, Bayombong Nueva Viscaya sa ilalim ng Criminal Case No. 10075 na may kasong libel.


Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cordon ang akusado para sa kaukulang kaparusahan habang pansamantala naman itong makakalaya kung makakapag lagak ng piyansang nagkakahalaga ng 10,000 pesos.

Facebook Comments