Lalaking may kasong rape huli sa bayan ng Tulunan North Cotabato

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang binata na may kinakaharap na kasong panggagahasa ng itoy maaresto sa Barangay New Culasi ,sa bayan ng Tulunan sa lalawigan ng Cotabato kagabi.
Kinilala ang naaresto na si Reland Roquero alyas Pareng ,27 anyos , binata residente ng nabanggit na lugar. Siyay inaresto base sa warrant of arrest sa kasong panggagahasa na inisyu ni Hon Judge Jose Tabaosares 12th Judicial Region, Branch 23, RTC Kidapawan City.
Nakapiit ngayon ang suspect sa lock up cell ng Tulunan MPS.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng nahuling suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments