Lalaking may stage 4 cancer, pinakasalan ang longtime partner bago pumanaw

2635
Courtesy Myco Amongo Alavaro

Pumanaw na ang lalaking nakipaglaban sa sakit na stage 4 osteosarcoma cancer, dalawang linggo matapos magpakasal sa kaniyang longtime partner sa Barangay Cogon, Ilowod, Panay, lalawigan ng Capiz.


Batay sa Facebook post ni Myco Amongo Alavaro, namatay ang kapamilyang si Marwin Custodio noong Nobyembre 27 habang ginagamot sa ospital.

Nabatid na isinugod si Marwin sa pagamutan matapos mahirapang huminga kahit may nakakabit na oxygen.

Katabi niya hanggang sa huling sandali ang asawang si Mabel at dalawang anak.

“Masakit man. Pero kailangang tanggapin. Lumaban ka para sa pamilya mo. Pinaglaban ka din ng pamilya mo. Pinatunayan mong matibay ka. 3 years kang nahirapan. At ngayon makaka pahinga ka na. Rest in peace kas MARWIN CUSTODIO. Kasama mo na si GOD. MAHAL NA MAHAL KA NAMIN. NG PAMILYA MO. AT LAHAT NG TUMULONG SAYO,” mensahe ni Myco sa namayapang si Marwin.

Kamakailan, naging viral sa social media ang kuwento ng pag-iisang dibdib nina Marwin at Mabel dahil sa kabila ng pagsubok at karamdamang pinagdaraanan, hindi ito naging hadlang sa wagas nilang pagmamahalan.

Facebook Comments