Lalaking may taning na ang buhay, humiling na mabinyagan bago mamatay

(handout/ The University of Alabama at Birmingham)

Isang lalaking may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser ang humiling na mabautismuhan bago tuluyang mamatay.

(handout/ The University of Alabama at Birmingham)

Si Thomas Roberts, taga Alabama, ay napag-alamang mayroong lung cancer at tinaningan na ng doktor ng ilang araw, dahil tila hindi na nito magagawang huminga ng walang oxygen tubes na nakakabit sa kanya.


Ayon sa ulat ng University of Alabama (UAB), nito lamang ika-4 ng Setyembre nang makiusap si Thomas na mabinyagan at malubog sa tubig para sa kanyang bagong paniniwala.

Buong buhay raw kasi ni Thomas, ay naging ‘Atheist’ siya o walang pinaniniwalaang Diyos.

Upang mapagbigyan ang kanyang hiling, bumuo ng grupo ang University of Alabama at Birmingham Hospital para maisagawa ang bautismo, sa pangunguna ni Corey Agricola, ang ‘chaplain’ o kapelyan ng nasabing ospital.

Sinabi nitong kinausap niya umano ang doktor ni Thomas para malaman kung gaano ba katagal ang kaya nitong ilagi sa ilalim ng tubig ng walang oxygen tubes.

“Dr. Nichols made it clear he would only be able to be off oxygen for a few seconds, which meant we couldn’t roll him down the ramp in the pool wheelchair, so we had to use the chairlift to place him in the pool,” saad ni Corey.

Isinagawa ang bautismo kasama ang buong pamilya ni Thomas at pinangunahan ng buong UAB team.

Bago ilubog si Thomas sa tubig ay ibinahagi sa kanya ni Corey na iyon daw ang pinakamagandang araw niya ng pagmiministeryo.

(handout/ The University of Alabama at Birmingham)

Pahayag niya, “I have served in the ministry over 20 years and seven of those at UAB. This is the greatest day of my career.”

Dagdag pa niya, “Thomas, you never thought you would preach a sermon in your life; but you preached today. You made an impact on people who you do not even know.”

Nagsimula ang bautismo sa pagbabasa ng isang berso sa Bibliya na Romans 6:4-11.

“We thank God for the good and perfect gift of this day. This is one of the greatest days of your life, Thomas, because we are celebrating your new life,” sabi ni Corey.

Saktong ika-10 ng Setyembre ay naiulat na pumanaw na si Thomas.

Facebook Comments