Tuesday, January 27, 2026

Lalaking most wanted ng SPD dahil sa illegal firearms, arestado sa Muntinlupa City

Matagumpay na naaresto ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District (SPD) ang Top 10 Most Wanted Person ng Muntinlupa City Police Station sa Barangay Buli, Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si alyas Pilok, 30 years old na inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Abraham Joseph B. Alcantara, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 204, Muntinlupa City para sa service of sentence.

Agad namang dinala sa pasilidad ng Muntinlupa ang akusado para doon pansamantalang ikulong habang hinihintay na ibalik ang warrant sa court of origin.

Facebook Comments