Sa pamamagitan ng facial recognition technology, nagsamang muli ang ina at nawalay na anak matapos ma-kidnap ng mga child trafficker 20 na taon ang nakararaan.
Ayon kay Wang Hua, mula sa Guangdong, China, ibinenta ni Zhou, isang tenant, ang kaniyang anak na lalaki sa mga child trafficker noong Mayo 1999.
Limang buwang gulang pa lamang ang anak ni Hua noon at matapos ang 20 na taon na paghahanap ay nag-krus ang landas ng dalawa.
“I carried my son’s baby pictures with me for 20 years, asking people about him wherever we went,” paliwanag ni Hua.
Naaresto naman si Zhou pati ang mga kasama nito ngunit hindi na nila natagpuan ang sanggol.
Sa bagong scanning software, nakilala nito ang mukha ng nawawalang anak sa loob ng dalawang dekada.
Nahanap ang anak ni Hua na ngayon ay estudyante sa isang bayan ilang milya ang layo sa Guangdong.