LALAKING NAAKTUHANG NAGBABALOT NG MARIJUANA, ARESTADO; KASABWAT NA SECURITY GUARD, NAKATAKAS!

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos naaktuhang nagbibilot ng marijuana ng isang technician sa isang pribadong kumpanya sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, 22-anyos, at residente ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang marijuana.


Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team sa suspek, aminado itong gumagamit ng marijuana kung saan nagsimula itong gumamit taong 2016 at minsan na ring naaresto ng mga otoridad taong 2020.

Samantala, agad namang nakatakas ang kasama ng suspek na security guard na gumagamit rin ng marijuana.

Kaugnay nito, dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments