Lalaking nag-aamok, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Malabon

Malabon City, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos mag-amok at manlaban sa mga awtoridad sa block 41 Pampanga Street, Malabon City.

Ayon sa pulisya, nakatanggap umano sila ng report na mayroong nag-aamok na lalaki sa tapat ng isang vulcanizing shop sa block 12 kung saan pinaputukan nito ang dalawang residente.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad pero nanlaban pa ang suspek na kinilala sa alyas lamang na ‘Popoy’ kaya naman napilitan silang magpaputok at napurhan ito.


Nasa mabuti nang kalagayan ang dalawang residente na nasugatan sa pag-aamok.
Ayon sa mga awtoridad, iniwan ng pamilya si alyas Popoy kaya nakainom ito at nasa ilalim ng impluwensiya ng iligal na droga.

Facebook Comments