LALAKING NAG-AAYOS NG BUBONG SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, NAHEAT-STROKE

Inatake ng heat stroke ang isang lalaki habang nasa tuktok ng isang establisyemento sa Brgy. San Vicente, San Fernando City, La Union, bandang ala una ng hapon, kahapon.

Hinihinalang may inaayos sa bubong ang biktima nang atakihin ng heat stroke sa kalagitnaan ng gawain.

Mabilis naman na naglatag ng tali, hagdan at stretcher ang awtoridad upang ligtas na maibaba ang nanghihinang biktima.

Agad naman naisalba ng mga rumespondeng personnel ang biktima at nadala sa pagamutan para sa kaukulang gamutan.

Kaugnay nito, paalala ng awtoridad ang limitasyon sa outdoor activities kapag tirik ang araw lalo na kung may iniindang karamdaman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments