LALAKING NAG-AAYOS NG TRICYCLE, PATAY MATAPOS MABANGGA SA VILLASIS

Nasawi ang isang lalaki matapos mabangga ng aluminum closed van habang inaayos ang kadena ng kanyang tricycle sa gilid ng kalsada sa Brgy. Unzad, Villasis, Pangasinan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho 28-anyos na lalaki ang tricycle na umano’y lasing, habang ang van ay pinapatakbo ng isang 34-anyos na driver na hindi naman nakainom.

Habang nag-aayos ng tricycle sa gilid ng kalsada ang biktima, nabundol siya ng paparating na van na patungo sa silangang direksyon.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, hindi naman nasaktan ang driver ng van at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments