Lalaking Nag-amok Arestado! Shabu Nakumpiska!

Santiago City, Isabela- Diretso kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mag-amok at makuhaan ng hinihinalang shabu kamakailan partikular sa bahaging palengke ng Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jack Mariano, 47 anyos, walang asawa’t trabaho at residente ng Brgy. Buena Vista, Santiago City, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Station 1 Santiago City, nagwawala at naghahamon umano ng away ang suspek sa palengke ng lungsod dahilan ng kanyang pagkaka aresto at nakuha pa mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.


Napag-alaman din ng pulisya na positibo sa nakalalasing na inumin ang suspek at may dati na umano itong kasong pagnanakaw noong nakaraang taon ng Setyembre.

Ipinasakamay na sa CrimeLab Office ng lungsod ang nakumpiskang shabu samantalang nahaharap naman sa kasong Alarms and Scandal at Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek .

Facebook Comments