Lalaking Nag Amok, Arestado!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mag-amok alas onse ng gabi, Enero 16, 2018 sa Nagassican, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang lalaki na si Willie Domingo, 29 anyos, walang asawa, isang magsasaka at tubong Nagassican, Santiago City, Isabela.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Station 1 PNP Santiago City, nagwala umano ang suspek na may dala-dalang pantabas sa nasabing lugar dahilan upang arestuhin ng dalawang barangay tanod.


Agad namang dinala ng dalawang tanod na sina Rogin Morales at Danilo Arconsel ang suspek sa pulisya at inihahanda na ang kasong Alarms and Scandal.

Napag-alaman din ng kapulisan na positibo sa alak ang suspek.

Facebook Comments