Lalaking Nag-iingat ng Iligal na Baril at Marijuana, Arestado sa Santiago City!

48

Arestado ang isang lalaki matapos itong silbihan ng search warrant dahil sa pag iingat ng iligal na baril sa brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Mojahid Riga, 28 anyos, may asawa at residente sa naturang lugar.

Nadakip ito ng ihain ang kanyang search warant na ipinalabas ni judge Efren Cacatian ng RTC branch 35 Santiago City.

Nakuha mula sa pag iingat ni Riga ang walong bala ng isang caliber 45 na may magazine na naglalaman pa ng pitong bala, caliber 38 na may 18 pieces na bala, caliber 5.56 at isang short firearm holster.

Dagdag pa rito ay nakakuha pa ang mga otoridad ng tatlong sachet ng tuyong dahon nh Marijuana.

Agad na dinakip ang suspek at dinala sa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments