Lalaking nag-ukit ng pangalan sa noo ng nobya gamit ang kutsilyo, arestado

6154

Binugbog at inukitan pa sa noo gamit ang kutsilyo ng kanyang nobyo ang isang babae sa Texas, US.

Inaresto ang lalaking kinilalang si Jackub Jackson Hildreth, 19, matapos ang pananakit kay Catalina Mireles, 22, noong nakaraang Huwebes, ayon sa San Antonio Express-News.


Pinagsusuntok ng suspek ang nobya bago gumamit ng kutsilyo para isulat ang kanyang pangalang “JACK” sa noo nito, ayon sa pulisya.

Biktimang si Catalina Mireles. PHOTO: KSAT

Tatlong linggo pa lamang mula nang magkakilala sila ang magkasintahan sa Facebook nang mangyari ang pambubugbog noong umaga ng Huwebes hanggang hapon.

Nagtamo ng basag na panga, black eye at mga pasa si Mireles matapos umanong suntukin sa mukha nang 10 beses.

Napag-alaman namang bukod sa insidente, mayroon pang dalawang nakabinbing kaso si Hildreth kaugnay ng pananakal sa isang kamag-anak.

Ikinulong noong Linggo ang suspek at nakatakdang humarap sa korte sa susunod na buwan.

Facebook Comments

From Advertisers