
Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na nakuhanan ng video na tumatakbo at tumalon sa tracks sa bahagi ng Ortigas Station ng MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 Safety and Security Unit, bumili ng tiket pa-Northbound ang lalaki at nang makarating ng platform ay bigla itong tumakbo papunta sa NB track ng Shaw Boulevard Station.
Nang makarating ito sa bahagi ng isang kilalang mall sa Mandaluyong City ay umakyat ito sa bagong gawa na footbridge kung saan siya nahuli.
Dinala ang lalaki sa Wack Wack Police Station 3 at sinampahan ng kasong alarm and scandal and resisting arrest.
Pinaalalahan ng MRT-3 ang pagbabawal sa pagpasok sa mga tracks at iba pang restricted areas dahil posible itong pagmulan ng panganib hindi lang sa tao pati na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at sa operasyon ng tren.










