Lalaking nagbahagi na hindi siya ang ama ng dinadala ng GF, viral

Image via Nkosii on Twitter

Nakisimpatya ang mga netizen sa isang lalaking nagbahagi na hindi pala siya ang ama ng bata sa sinapupunan ng kaniyang girlfriend.

Ipinakita niya ang text message ng girlfriend ang pag-amin nito na hindi siya ang ama ng batang dinadala.

Sinabi niyang naalala nitong may namagitan pa ang babae sa kaniyang ex noong Oktubre at hindi sa kaniya ito.


 

Pinahayag naman ng lalaki na suportado pa rin siya sa pinansiyal ng magiging anak ng girlfriend dahil tuwang-tuwa ang lola niya.

“@Nkosii: She knew all along. That’s why she said she wanted to tell me. I honestly think she wanted me to help her out financially. I mean if she was clean she would have told me as soon as she knew. Now my mother is happy about being a grandma.”

Ikinalungkot din ng lalaki na hindi sinabi ng girlfriend sa kaniya na hindi pala siya ang ama nito. Binigyan naman siya ng payo ng mga netizen.

“@Nkosii: What makes me sad is that she kept the secret and lied for 8 months. We already planned everything and she was nagging me that I’m not taking care of her and I was literally doing the best I could. Sending her all the money I got. ”

Sabi ni @Ladt_TeeT, “Step dads are also dads, baby doesn’t have to be yours biologically.”

“I’m sorry you’re going through this but on a brighter side. Just be grateful it didn’t get any far. Let it all go [of] the money. You did what you did cause you’re a great person and her actions shouldn’t change your character,” dagdag pa ng isang netizen.

Sa kasalukuyan mayroon itong 6,800 retweets, 2,300 tweet replies at 17,000 likes.

Facebook Comments