LALAKING NAGBANTA AT NANIRANG-PURI, ARESTADO

Cauayan City -Inaresto ng PNP Tuao ang isang lalaki na nahaharap sa kasong Slander by Deed at Grave Threat matapos ihain ang warrant of arrest laban sa kanya sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Loyd,” 56 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing bayan.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay nagmula sa Municipal Trial Court, Second Judicial Region, Tuao, Cagayan, na may itinakdang piyansa na ₱18,000 para sa kasong Slander by Deed, habang ₱36,000 naman para sa kasong Grave Threat.


Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP Tuao ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Samantala, ang operasyong ito ay pinangunahan ni Police Captain Jennifer G. Calauad, Deputy Chief Of Police, katuwang ang mga operatiba ng 4th Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Facebook Comments