LALAKING NAGBANTA GAMIT ANG BARIL, ARESTADO SA ASINGAN, PANGASINAN

Isang insidente ng pagbabanta gamit ang baril ang naiulat sa Brgy. Ariston West, Asingan, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, habang nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima, muntik na niyang mabangga ang suspek na bigla umanong huminto sa tulay sa Brgy. Bantog.

Matapos ang insidente, sinabi ng biktima sa suspek na hihintayin niya ito sa dulo ng tulay upang mag-usap. Pinigilan naman ng biktima ang suspek habang ito ay nakasakay pa rin sa motorsiklo, ngunit hindi ito huminto at tila may inilabas mula sa kanyang baywang.

Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa awtoridad. Kasama ang mga opisyal, hinabol nila ang suspek.
Nang malapitan, nakita nilang bumunot ito ng baril kaya agad siyang inaresto ng awtoridad.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .45 na baril at pitong bala.

Agad naman na isinuko ng mga barangay officials ang suspek at ang ebidensya sa Asingan Police Station.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Asingan PS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Grave Threat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments