Lalaking Nagbebenta ng Iligal na Baril, Tiklo sa Buy Bust Operation sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela- *Timbog sa pagbebenta ng iligal na baril ang isang lalaki matapos kumagat sa ikinasang Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Nat’l highway ng brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Jeffrey David Yonga, 29 anyos, may asawa at residente ng Paracelis, Mt. Province.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Yonga sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ng mga kasapi ng PNP Ramon katuwang ang CIDG Santiago CFU at Highway Patrol Group Santiago City dahil sa pagbebenta nito ng iligal na baril.


Nakumpiska mula kay Yonga ang isang Caliber 38, apat na bala ng caliber 38, isang unit ng cellphone at ang buy bust money.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Santiago CFU ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments