Lalaking nagbebenta ng maseselang larawan at video ng mga kabataan kapalit ng halos P500, sinampahan na ng patung-patong na kaso ng DOJ

Sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang isang lalaking nagbebenta ng mga maseselang content sa online.

Ayon sa DOJ, kinasuhan ng paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse of Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Material Act ang suspek na si Benjie Ortillano sa Regional Trial Court ng Cabanatuan, Nueva Ecija.

Lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbebenta ng mga explicit content at nagbibigay pa ng discount ang suspek para sa access ng kaniyang VIP Telegram Channel kung saan nakalagay ang mga maseselang lawaran at video.


Ibinebenta ito ng suspek sa halagang P499 pesos at ipapadala ng mga parokyano ang bayad sa GCash.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, babala na rin ito ng pamahalaan sa mga nasasangkot sa online exploitation na mananaig pa rin sa huli ang hustisya sa bansa.

Facebook Comments