Lalaking naghagis ng diaper sa windshield ng kotse, huli sa dashcam

Screenshot via Facebook/Jonathan Lee

Kitang-kita sa dashcam footage ang pagtapon ng isang lalaki ng disposable diaper sa isang windshield ng nakaparadang sasakyan sa bansang Singapore.

Sa ibinahaging bidyo ng may-ari ng kotse na si Jonathan Lee, makikitang pa-simpleng inihagis ng drayber ang gamit na diaper.

Bago pa isagawa ang nakadidiring plano, kapansin-pansing tumitingin siya sa paligid at makalipas ang ilang segundo, binuksan na niya ang compartment ng sasakyang minamaneho. Matapos i-dispatya ang diaper, agad siyang umalis sa establisyimento.


Ayon sa uploader, nangyari ang insidente noong Agosto 24 sa parking lot ng Tampines Mall.

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ni Lee kung saan umabot na ito sa mahigit one million views.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Singaporean Enviroment Agency ang naturang pangyayari.

Paalala ng naturang ahensiya, mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa ang iresponsableng pagtatapon ng basura.

Facebook Comments