
Patay ang isang lalaking nagja-jogging matapos mabangga ng isang truck sa national highway ng Barangay Uyong, Labrador, Pangasinan.
Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng truck ang nasabing kalsada nang aksidenteng masagi nito ang pedestrian na nagja-jogging sa gilid ng daan at patungo sa kaparehong direksyon.
Matapos ang insidente, agad na tumakas ang driver ng truck.
Agad namang nahuli ng mga rumespondeng tauhan ng Labrador Municipal Police Station ang nasabing sasakyan sa Sual, Pangasinan.
Ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isinugod sa Lingayen District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Isinailalim sa kustodiya ng Labrador MPS ang truck para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposisyon |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









