Lalaki, nagpapanggap na may kapansanan para magpapalit ng diaper sa ilang health care workers

Handcuffs

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki mula Louisiana, USA matapos mahuling nagpapanggap lamang na ‘mentally and physically handicapped’ para makapandaya sa ilang health care workers para palitan siya ng diaper.

Sa inilabas na ulat ng Louisiana State Police, idinala sa New Orleans Parish Jail noong Miyerkules si Rutledge “Rory” Deas sa kasong sexual battery at human trafficking dahil sa paglalabas ng pekeng ads online para makapang-akit ng mga health care workers.

Lumalabas sa imbestigasyon na ginagamit ni Deas ang social media para umano sabihing nangangailangan siya ng mag-aalaga para sa kanyang kapatid na si “Cory” na mayroon raw kapansanan.


Batay pa sa ulat ng pulisya, kapag mayroon na siyang nakausap na mag-aalaga, saka niya ngayon aarte bilang si Cory at hahayaang palitan siya ng adult diaper para makuha ang inaasam na ‘sexual arousal’.

Matapos ang 10 beses na pambibiktima, nadiskubre rin kinalaunan na si Deas at Cory ay iisa.

Bukod sa sexual battery at human trafficking, humaharap rin sya sa kasong possession of a scheduled II controlled dangerous substance.

Facebook Comments