Lalaking Nagnakaw ng Cellphones at Pera ng Katrabaho, Nakasuhan Na!

Cauayan City, Isabela – Naaresto at nakasuhan na ang isang lalaki na nagnakaw ng dalawang mamahaling cellphones at pera ng kapwa katrabaho sa isang malaking establisyemento sa San Fermin, Cauayan City kamakailan.

Sa impormasyong ipinarating ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, ang kasong pagnanakaw laban kay Jefer Dadban ng Enrile Cagayan ay naisumite na sa tanggapan ng City Prosecutor ng Cauayan City.

Kaugnay nito, naaresto ng kapulisan si Dadban noong hapon ng Miyerkules, May 28,2018 habang nag-aabang ng sasakyan sa National Highway ng San Fermin, Cauayan City.


Nakuha sa pag-iingat ni Jefer Dadban ang dalawang cellphones na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa P18,900 at P500 na pag-aari ng mga kasamahan nito sa trabaho.

Magugunita na nakita sa CCTV ang pagsira ni Dadban sa locker room ng dalawang katrabaho matapos mabatid na nawawala na ang kanilang gamit at agad na inireklamo sa himpilan ng pulisya.

Facebook Comments